Thursday, March 11, 2021

Panunuring Pampelikula

    Sa pag lipas at pagbabago ng panahon iba't ibang mga uso at mga bagay ang tinatangkilik ng bawat mamamayang Pilipino. Iba't ibang mga trends ang lumilitaw at naglipana sa bansa dahil sa impluwensya ng iba't ibang bansa at ng mga dayuhan. Bukod dito nagbabago rin ang mga gusto at pananaw ng mga tao pagdating sa kanilang pagkain, pananamit, pagsasalita at sa mga palabas o pelikulang kanilang napapanood.

    Ang panonood ng pelikula ay libangan ng isang pamilya, magkaibigan at ng magkasintahan. Ito ang nagsisilbing panahon upang magkabuklod-buklod at magkasama sama ang bawat isa. Sa isang sanaysay na pinamagatang 'Why Filipino's love going to the Movies' , sinabi ni Michael Tan (2018) na ang panonood ng pelikula nang sama sama ay isa nang social activity ng mga Pilipino. Ang pagbili o paghiram ng Betarmax, VHS, VCD, at mga DVD ay isang halimbawa ng pagkahilig at pagkanais sa iba't ibang palabas. Sa kasalukuyang milenyo, malaki ang nagiging impluwensya ng mga banyaga sa bansa pagdating sa larangan ng sining at pelikula. Sa katunayan, maraming mga Pilipino ang nahihilig at patuloy na tumatangkilik ng mga foreign movies kaysa sa mga lokal na pelikula o pelikulang Pilipino.

    Ang pelikula ay isang masining at nakakamanghang paglalahad ng isang kwento na ipinapalabas sa mga sinehan o sa mga telebisyon. Ito ay isang obra na nagpapakita ng damdamin at talento, tradisyon ng isang lugar o bansa, kultura ng isang komunidad, kaugalian ng isang tao o grupo, saloobin ng bawat mamamayan at pagpapahalaga ng mga tao sa kaniyang bansa at sa lugar na kanilang ginagalawan.

    Ang mga pelikulang Pilipino ay may pinagbabasehan na mga kwento tulad sa Political issues, Kahirapan, isyung Pampamilya at mga napapanahong problema sa bansa.


Suring Pelikulang Pilipino 



Muro- Ami (1999)

Mga tauhan:

    1.  Cesar Montano- Siya ang gumanap sa pelikulang ito na masasabi ko na bumagay sa kaniya ang kaniyang karakter bilang si Fredo dahil sa kaniyang tindig at pananalita.
    2. Jhong Hilario- Siya ang kanang kamay ni Fredo na ang turing nito sa kaniya ay parang kapatid na. Pero dahil sa pananabik sa pera, handa niyang sirain ang kanilang pagkakaibigan. Siya ang gumanap bilang Batong.
    3. Pen Medina- Kasama din ito nina Fredo at Batong sa barko. Ito ang tatay ni Fredo na nagpapangaral sa kaniya ng mabuti.

Tagpuan:

    • Akmang akma ang tagpuan sa pelikulang ito dahil makikita natin dito ang kagandahan ng ilan sa mga parte ng Bohol. Napakalaki ng kinunan sa Muro- ami. Sagana sa dagat, at makikilala ito sa pamamagitan ng kwento nito at sa pagpapakita ng buhay ni Fredo.

Buod ng Pelikula:

    •  Si Fredo(Cesar Montano) ay isang mangingisda na kung saan tiniis niya ang paghihirap sa kaniyang buhay. Ang kaniyang asawa at anak ay parehong nasawi sa isang aksidente sa bangka. Kaya naman sinisisi ni Fredo ang dagat sa pagkawala ng kaniyang asawa at anak at naghihiganti sa pamamagitan ng pandarambong sa kailaliman ng dagat.

Screenplay:

    • Ang screenplay ng pelikulang ito, nagkaroon ng ideya ang mga madla kung ano ba ang ibig sabihin ng muro-ami dahil na din sa galing ng mga gumanap sa pelikulang ito at ganun na din ang kanilang pananalita.

Cinematography:

    • Maganda ang pagkakakuha sa bawat eksena sa pelikula gayundin ang page-edit nila dito dahil, ibinase nila ang mga effects ng video sa tema ng kanilang pelikula.

Direktor:

    • Si Marilou Daiz-Abaya ang magaling na direkto ng pelikulang ito. Sa kaniyang direksyon dito, ay maganda ang kinalabasan ng pelikula na nagkaroon ng award.

Kaugnayan sa Lipunan:

    • Ang pelikulang ito ay sumasalamin sa ating lipunan dahil sa pagka nais na kumita ng malaking halaga, at dahil na din sa masamang trahedya ay gagawin ng isang tao ang isang bagay kahit pa ito ay illegal na maaaring makasira pa lalo ng kanilang buhay. 

Trivia:

  • Alam nyo ba na ang ibig sabihin ng Moro-ami ay isang pamamaraan ng pangingisda na kung saan ginagamitan ito ng lambat na may nakalagay na malalaking bato. Kadalasang gumagawa nito ay ang mga bata at binabayaran sila upang gawin ito. 




Heneral Luna (2015)

Mga Tauhan:

  1. Heneral Luna- Siya ay ang taong may prinsipyo sa buhay at matapang at handang ipaglaban ang sariling bansa kahit na ang kapalit nito ay ang kaniyang sariling buhay.
  2. Senior Presidente Emilio Aguinaldo- Siya ay isang magiting na lider ng pilipinas na nag atas kay heneral Luna upang pamunuan ang hukbong labanan. Siya ay nagkinig sa mga paninira sa kanyang paligid.
  3. Apolinaryo Mabini- Ang taong nagtitiwala sa kakayahan ni Heneral Luna at nagsusulat ng mga konstitusyon noong Unang Republika ng Pilipinas.
  4. Heneral Mascardo- Ang heneral na mas iniisip ang sariling kasiyahan keysa unahin ang pagtatanggol sa bayan, makasarili at ayaw sumunod sa pinag uutos sa kaniya ng presidente.
  5. Rosca at Paco-  Isang matapat at matatapang na tagasunod ni Heneral Luna na kahit anong laban ay kasama sila hanggang sa pagkamatay nito.

Tagpuan:

  • Ang tagpuan ng pelikulang ito ay sa iba't ibang baryo sa Pilipinas kung saan ito ay binabantayan ng ating mga magigiting na mga sundalo na nakikipaglaban para di makuha ng mga dayuhan ang ating mga lugar, dahil nga ito ay mga sinaunang mga panahon pa ang lugar o baryo ang nagging tagpuan at minsan tahanan o opisina ng Presidente na pinagpupulungan ng mga opisyal ng bayan, Isa sa mga nagging tampok na tagpuan dito ay ang Opisina ng Gabinete sa Cabanatuan na kung saan ditto na nagtapos ang buhay ng isang magiting na bayani at hanggang ngayon ay inaalala ng lahat. 

Buod ng Pelikula:

  • Noong 1898, naharap si Heneral Antonio Luna (John Arcilla) sa paglaban mula sa kaniyang sariling mga kababayan habang nakikipaglaban para sa kalayaan sa panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano.

Screenplay:

  • Ang Iskrip ay siyang Bumubuhay ng isang pelikula, na kung saan  hindi magiging maganda ang paggawa ng pelikula kung wala ang iskrip, Ang Pelikulang ito ay punong puno ng aral sa pananalita pa lang ay makikita mo na ang pagka Pilipino gumagamit ito ng malalim na salita at mga Balbal na Salita , Nakikita ang pagkapilipino kung paano tayo magsalita, Ang daloy ng Iskrip nito ay naging kapanapanabik dahil ang bawat bigkas ng mga salita dito ay tatak saiyong isipan , sa pananalita pa lamang ni Heneral luna ay maraming pagpupulutan ng aral, di kasama ang mga Pagmumura niya bagkus pag siya ay nagsalita siya ay may paninindigan at di kayang talikuran ang sariling bayan, Sa Husay ng Gumanap naiparating ito ng maayos at tumatak ito sa mga manonood, At dahil sa husay ng sumulat dito nailarawan kung gaano kagaling tayong mga Pilipino pag dating sa pagbuo at pagsulat. 

Cinematography:

  • Ang Bawat ang gulo ng kamera ay mahalaga dahil dito naipapadala natin lalo ng mas malinaw ang mga impormasyon na nais nating iparating isama na din ditto anng tamang lente ng ilaw na kung saan mas lalong nalilinawan ang mga manonood na panoorin ang Pelikula, Ang Heneral Luna; The Movie ay nagkaroon ng magandang galaw ng kamera at tamang lente ng ilaw ang daloy ng pelikula ay naging maganda dahil ito ay may saktong kuha, naipadala nito ang gusto nilang ipadala sa mga manonood at nakuha ng mga manonood ang satisfaction nila,  kung iisipin natin kung ito ay naging pelikula nung mga nagdaan na mga taon ito ay hindi pa ganun kaganda dahil alam natin na kulang pa tayo sa teknolohiya noon, Pero ngayon nakita natin ang nagging ambag ng mga modernong teknolohiya, Sa palabas na ito ay hindi ka magsisisi ang mga anggulo ng digmaan at mga paguusap ng inpormal at mga pagkuha sa mga lugar ay naging sakto at maganda ang timpla ng ilaw na pag malungkot ay mga madilim na ilaw , pag may saya ang ilaw ay malinaw , ang kagandahan dito ay andto ang lahat at may matutunan ka pa.

Direktor:

  • Ang naglathala ng Pelikulang ito ay si Jerrold Tarog ay ay isang Screenwriter, Produser, Editor at Komposer, isa sa mga sikat na nalathala niya ang Heneral Luna ito ay binase niya sa mga kagnapan noon at mga dinanas ng ating Magiting na Heneral ditto ipinakita niya ng mga karanasan noon ng mga Pilipino , paano nito ipinaglaban ang ating kalayaan sa husay nitong nailathala niya ito ay tumatak sa mga Pilipino at ipinaraangal ito na Gawad Urian Award for the best Cinematography.

Repleksyon sa Lipunan:

  • Ang pelikulang ito ay maraming mapupulot na aral, Una ang pagmamahal ni heneral luna sa ating bayan na kayang ibuwis ang buhay para sa bayan at Pangalawa ipinakita niya dito na tayo ay dapat maging matapang at kayang ipaglaban ang ating karapatan at kalayaan , Pangatlo sinasabi niya saatin na ang pagiging wag tayo pumayag na ang bansa natin ay aangkinin at mamaliitin ng mga dayuhan, Sa mga ito ipinakita niya ang pagmamahal sa bayan at inilaban niya ang ating kalayaan kahit na maraming traydor sa paligid ang pelikulang ito ay nagsisilbing salamin kung gaano inilaban ng ating mga ninuno ang kalayaan ng bawat isa, si Heneral Luna ay di ang papapigil sa lahat wala siyang kinikilingan hanggat may pinaglalaban siya, patuloy pa din siya dito pa lang masasabi natin siya ay isa sa mga dakilang lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas 

Trivia:

  • Gumamit ng simbolismo ang direktor ng pelikulang ito na si Jerold Tarog upang ilarawan ang kamatayan ni Heneral Luna. Ang paghila sa katawan ng pinaslang si Heneral Luna ay ibinase sa obra ng kaniyang kapatid na si Juan Luna.


Tara at hikayatin natin ang mga Pilipino

    Pag sinabi nating manonood hindi lang nakapaloob dito ang mga Pilipino, kapag sinabing manonood ito ay ang mga taong nanonood, mga tumatangkilik sa mga gawa ng mga magigiting na direktor. at isa na din dito ang mga Pilipinong na nais manood ng mga gawang Pilipino. Isa sa mga Paraan upang tangkilikin ng mga Pilipino ang ating mga Pelikula, Pamilyar naman ang lahat ang paggawa ng Movie trailer o Poster sa paraan nito magiging sabik ang mga manonood na panoorin ang pelikula kung saan mas lalo silang magiging intersado kung mapanood nila ang trailer, ito ay konting pasilip sa mga kaganapan sa pilikula, at mapapaisip na ang mga manonood sa mga magaganap sa pelikula , Ang Poster naman ay isa sa mga paraan para akitin ang mga manonood na panoorin ito , pag tinignan mo ang poster makikita mo dito ang mga bida na gaganap at iba pa, sa poster din ay mapapaisip ka kung ano ang gagampanan ng bida, mapapaisip ka na sa mga mangyayari at ditto ay tatangkilikin mong manood para makuha mo ang mga sagot sa mga katanungan mo.

Epekto ng Pelikulang Pilipino sa mga mamamayan

    Marami ang nagiging epekto ng pelikula sa atin, Una ito ay nagiging libangan ng halos lahat ng mamamayang Pilipino ito ang nagsisilbing daan upang mawala ang lahat ng pagod at stress sa ating katawan, ito din ang daan upang maka iwas muna sa ating mga problema at ito ang kadalasang ginagawa ng mga taong walang ginagawa o nag papahinga. Pangalawa, kadalasan sa ating mga napapanood sa ating telebisyon, sinehan o sa ating cellphone ay mga pelikulang sumasalamin sa ating aktuwal na kinabubuhay kaya naman halos lahat ng mga ipinipalabas ay kadalasang nakaugnay ito sa ating buhay. Kadalasan din lumalabas sa ating isipan na "Ay katulad din ako nung bida" dahil halos magkapareho kayo ng kinabubuhay at kasanayan sa buhay. Ikatlo, ito ay nagbibigay sa atin ng aral sa buhay, mga dapat nating gawin o ipasok sa ating pag-iisip, kadalasan ito din ang nag-uudyok sa atin na gumawa tayo ng tama at makipag kapwa tao.

 

Kahalagahan ng pagtangkilik sa lokal na Pelikulang Pilipino

    Ang pelikulang Pilipino ay naging parte na ng mahabang henerasyon sa ating buhay, mapa mula noon at hanggang sa kasulukuyan. May mga pelikula parin tayong mga Pilipino na ating tinatangkilik at minamahal. Ngunit kadalasan mas inuuna pa nating tangkalikin ang mga gawang pang ibang bansa at isinasawalang bahala o hindi natin kadalasang binibigyan ng pansin ang gawang Pinoy. 
Kadalasan natin inihahalintulad ang mga gawang pang ibang bansa sa gawang Pilipino kaya naman nagiging mataas ang ating ekspektasyon sa pelikulang ating pinapanood. Kadalasan din nag kakatalo at nalalaman kaagad na gawang Pinoy ang isang pelikula o palabas kapag hindi gaanong maganda ang graphics o effects ng palabas o pelikula.

    Hindi na din ito nauuso lalo na sa mga kabataan ngayon ang karamihan sa ating mga pelikula dahil nag babago na din ang kanilang panlasa dito. Ngunit dapat parin natin bigyan pansin at ipag malaki lalo na at hindi ikumpara sa gawang pang ibang bansa ang ating pelikula dahil natatangi ang mga ito at walang katulad. Nagiging mas maka Pilipino din tayo lalo na kung ang mga gumawa o lumikha ng pelikula ay kapwa Pilipino din. Hindi din natin maikakaila ang galing ng mga Pilipino at lawak ng ating mga isipan pag dating sa pag gawa ng sining, kaya naman maraming mga Pilipino ang nagiging sikat lalo na sa ibang bansa dahil hawak hawak nila o dala dala nila ang pagka-Pilipino nila na talaga nga namang nasa dugo na natin, na kung saan ay maipagmamalaki hindi lamang nila kundi ng buong Pilipino.




Nilikha ni:
Malda, Jermalyn C.
Puno, Ma. Carmella Angelica
Docog, Ronie Mae
Ladrera, Pamela
ECO-23

Panunuring Pampelikula

     Sa pag lipas at pagbabago ng panahon iba't ibang mga uso at mga bagay ang tinatangkilik ng bawat mamamayang Pilipino. Iba't iba...